Tumaas pa ang mga insidente ng sunog na dulot ng paputok ngayong taon.
Mayroon ng 19 insidente ng sunog ang naitala ng Bureau of fire Protection hanggang nitong Sabado kumpara sa limang firecracker-related fire incidents sa kaparehong panahon noong 2021.
Inihayag ni BFP Spokesperson, Fire Supt. Anne Atienza na posibleng tumaas pa ang mga maitatalang sunog dulot ng paputok habang papalapit ang bagong taon.
Dahil dito, naka-full alert muli ang BFP sa pagsalubong sa taong 2023.