Sumampa na sa 319 ang firecracker-related injuries simula Disyembre 21 noong isang taon hanggang ngayong araw.
Batay sa fireworks-related injury surveillance report ng Department of Health, 12 biktima ang pinaka-bagong nadagdag sa listahan.
Kabilang sa mga bagong kaso ay nagmula sa Regions 6, 7, 10 at National Capital Region (NCR).
Mayorya sa mga biktima ay lalaking edad dalawa hanggang 76 at pinaka-marami ang nasugatan dahil sa kwitis.
Gayunman, mababa pa rin ang bilang ng mga naputukan kumpara sa 194 cases na naitala sa pagsalubong sa taong 2018.