Bumaba ang bilang ng firecracker – related injuries sa Metro Manila sa pagsalubong sa Bagong Taon.
Batay sa tala ng National Capital Region Police Office o NCRPO mula Disyembre 16, 2017 hanggang Enero 1, 2018, isandaan at limang (105) firecracker injuries ang naitala sa kalakhang Maynila.
Kumpara ito sa isandaan limangpo’t anim (156) katao na naputukan sa kaparehong panahon noong isang taon.
Pinakamarami ang naitala sa area of jurisdiction ng Manila Police District (MPD) na animnapo’t isa (61) habang ikalawa sa Quezon City na dalawangpo’t dalawa (22).
Kapwa nakapagtala naman ng tatlong (3) insidente ang Eastern Police District (EPD) at Southern Police District (SPD).
Matatandaang umapela ang Malakanyang sa publiko bago salubungin ang bagong taon na iwasan na gumamit ng mga ipinagbabawal na paputok.
Iginiit ng Office of the Executive Secretary ang nakasaad sa Executive Order (EO) No. 28 na tanging community fireworks display lamang ang dapat ipatupad ng local government units o LGU’s.