Bumaba ng 68 porsyento ang bilang ng nasugatan o nasaktan dahil sa paputok sa pagsalubong ng 2019.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque, nakapagtala sila ng 139 mula December 21 hanggang alas sais ng umaga ng January 1.
Sa naturang bilang, mahigit 100 aniya rito ang nakaranas ng paso o sugat, lima ang may sugat at naputulan ng bahagi ng katawan at 36 na sugat sa mata.
Pinakamarami ang naitalang insidente sa National Capital Region, sinundan ng Region 6, Central Visayas, Central Luzon at Calabarzon.
Nagbabala si Duque na posibleng magdagdagan pa ang kanilang bilang dahil may mga report pa silang hindi natatanggap mula sa mga probinsya.
Most additional injuries may arise from children from picking up unexploded fireworks in the streets. Our reminder to tha parents, they still have to be on the lookout. Pahayag ni Duque