Nakumpiska ng Bureau of Customs ang 40-footer container van na naglalaman ng firecrackers na dumaong sa Mindanao International Container Terminal sa Tagoloan, Misamis Oriental.
Ayon kay Customs Regional Spokesperson Atty. Roswalds Pague, nagkaroon ng misdeclaration dahil nakasaad sa dokumento na ang laman ng van ay sanitary napkins, rubber mats at mga laruan.
Ang kontrabado ay nakatakdang isailalim sa condemnation proceedings kasama ang Commission on Audit at mga tauhan mula sa Firearms and Explosives Division ng Customs.
Inaalam na ng Customs kung magkano ang kabuuang halaga ng nasabing kontrabando.
By Judith Larino