Umakyat na sa 25 ang naitalang firecracker-related injuries sa bansa.
Batay sa datos ng Department of Health, lima sa mga biktima ay nasa edad 20 pataas, habang ang 20 iba pa ay edad 19 pababa.
23 sa nasabing bilang ay mga lalaki, habang dalawa naman ang babae.
Kaugnay nito, muling hinimok ng kagawaran ang publiko na huwag nang magpaputok upang makaiwas sa panganib at gumamit na lamang ng ibang pampaingay tulad ng torotot o sound system.