Pumalo na sa 277 ang bilang ng fireworks-related injuries sa bansa.
Matapos ito na madagdagan ng 15 kaso na naitala ng Department of Health (DOH) sentinel hospitals mula kahapon, January 3 hanggang ngayong araw, January 4.
Batay sa datos, 49% na mas mataas ito kumpara sa naiulat sa kaparehong panahon noong nakaraang taon na may 186 na sugatan dahil sa paputok.
Samantala, nangunguna sa dahilan ng mga naputukan ang kwitis.
Sinundan ito ng boga, 5-star, at fountain.
Nakapagtala naman ng isang stray bullet injury sa Metro Manila.
Samantala, wala pang naiiulat na nasawi dahil sa injuries mula sa paputok.