Sumampa na sa lima ang firecracker-related injuries, anim na araw bago ang pagsalubong sa bagong taon.
Mababa ito ng 50% kumpara sa kaparehong panahon noong isang taon.
Karaniwang sanhi ng injuries ay boga, 5-star at whistle bomb na naitala sa Ilocos Region, CALABARZON, Bicol Region, Western at Central Visayas.
Ayon sa Department of Health, pawang lalaking edad 8 hanggang 22 ang mga biktima.
Ilan sa mga biktima ay tinamaan sa mata, napaso pero hindi kailangang putulan habang ang isa ay kailangang putulan ng bahagi ng kamay.
Wala namang insidenteng fireworks ingestion o at nasugatan o namatay dahil sa ligaw na bala.