Pinapurihan ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) ang kampanya ng administrasyong Duterte laban sa krimen, droga at katiwalian.
Ito ang inihayag ni VACC Founder Dante Jimenez matapos umani ng mataas na net satisfaction rating si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ika-isandaang araw sa puwesto.
Ayon kay Jimenez, epektibong leader si Duterte at hindi maikakaila ang kanyang mga nagawa bilang isang bagong presidente sa loob lamang ng tatlong buwan.
Bahagi ng pahayag ni VACC Founder Dante Jimenez
Binigyan din ng mataas na marka ni Jimenez ang administrasyong Duterte subalit nilinaw na hindi ito nangangahulugan na tagumpay na ang gobyerno sa pagsugpo sa mga problema ng bansa.
Bahagi ng pahayag ni VACC Founder Dante Jimenez
By Drew Nacino