Daan-daang first-aid volunteers na ang ipinakalat sa iba’t ibang sementeryo sa bansa sa gitna ng patuloy na pagdagsa ng milyun-milyong Pilipino upang gunitain ang Todos Los Santos at Araw ng mga Kaluluwa.
Ayon kay Philippine Red Cross (PRC) Chairman Richard Gordon, bahagi ito ng kanilang taunang “Oplan Kaluluwa” upang matiyak na ligtas sa anumang sakuna o aksidente ang publiko.
Mayroon anyang Red Cross sa 277 sementeryo sa bansa gayundin sa 11 pantalan at paliparan at 12 bus terminals.
Mayroon ding mga first aid station sa 11 gasoline stations sa mga major highway tulad sa North Luzon at South Luzon Expressways.
Hinimok naman ni Gordon ang publiko na i-report ang anumang emergency incidents sa Red Cross at tumawag sa PRC Hotline 143 o 790-2300; o mag-text sa 09178068513 o e-mail sa opcen@redcross.org.ph.
By Drew Nacino