Ipinag-utos na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbuwag sa government-run firm First Cavite Industrial Estate, incorporated (FCIEI) alinsunod sa Memorandum Order 62.
Ito’y makaraang makumpleto na ng nasabing kumpanya ang misyon nito sa ilalim ng National Development Company (ndc).
Itinatag ang (FCIEI) upang i-develop ang NDC Property sa Dasmariñas City, Cavite bilang isang industrial estate at economic zone habang ibinenta na sa locators ang lahat ng saleable lots sa loob ng estate simula noong 1995.
Ang nasabing estate, na itinayo noong 1990, ay joint project ng NDC, Marubeni Corporation at Japan International Development Organization na layuning serbisyuhan ang lahat ng basic needs ng anumang manufacturing concern ng light-to-medium scale industry.