Kinumpirma ng Commission on Higher Education (CHED) na magtuturo bilang isang part time professor sa nalalapit na pasukan sa Agosto ang First Lady na si Liza Araneta Marcos.
Nabatid na tinanggap ng First Lady ang imbitasyon ng West Visayas State University (WVSU), sa Iloilo City na magturo Criminal Law 1 sa ilalim ng College of Law simula sa Agosto 15.
Matatandaang naging founding partner ng Marcos, Ochoa, Serapio & Tan Law Firm si Gng. Marcos kung saan, dumaan sa tamang proseso ang kaniyang aplikasyon katulad ng ibang aplikante na nais ding makapagturo.
Una na ring nagturo ang First Lady sa Mariano Marcos State University, Saint Louis University, Pamantasan ng Lungsod ng Maynila, Northwestern University, at Far Eastern University.