Iginawad ng Girl Scouts of the Philippines (GSP) kay First Lady Liza Araneta-Marcos ang titulo bilang bagong Chief Girl Scout.
Sa kanyang talumpati, kinilala ng unang ginang ang mga pagsisikap ng GSP sa paghahatid ng misyon nito na ihanda ang mga batang kababaihan sa kanilang mga responsibilidad sa tahanan, sa bansa at maging sa buong mundo.
Nangako rin ang first lady na tutulong ito sa paghubog ng mental, emotional, at social qualities ng mga kabataang babae.
Dumalo sa investiture at installation ceremony kahapon sa ceremonial hall ng Malacañang Palace sina GSP National Executive Committee President Dr. Cristina lim-yuson, GSP National Executive Director Officer-in-Charge Roselyn Davadilla, at Presidential Management Staff Secretary Maria Zenaida Angping.
Batay sa 2017 data, mayroong 800,000 girl scouts sa buong bansa.