Nakatakda nang buksan sa mga motorista sa Hunyo 15 ang first phase ng C5 South Link Expressway project.
Ito ang inihayag kahapon ni Public Works Secretary Mark Villar matapos ang ocular inspection ng 2.2-kilometers segment 3-A1 na magdurugtong sa Taguig hanggang Merville, Parañaque City.
Ayon kay Villar, layunin ng proyekto na maibsan ang masikip na daloy ng trapiko sa bahagi ng Parañaque at Taguig at inaasahang limanlibong sasakyan ang mababawas sa C-5 pa lamang.
Layunin din ng P10 billion project na taget matapos sa susunod na taon at may kabuuan haba na 7.7 kilometers na idugtong ang C5 sa Manila-Cavite toll expressway na dumaraan sa Taguig, Parañaque, Las Piñas at Cavite.