Posibleng bago magpasko ay mabuksan na ang unang bahagi ng North Luzon Expressway-South Luzon Expressway connector.
Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH) ang nasabing expressway ay magdudugtong sa North Luzon Expressway (NLEX) balintawak at South Luzon Expressway (SLEX) alabang gayundin sa Caloocan hanggang España sa Maynila.
Base sa isinagawang traffic simulation ng NLEX, sinabi ng DPWH na magiging 20 minuto na lamang mula sa halos dalawang oras na biyahe mula Caloocan hanggang Alabang kapag tuluyang nabuksan ang nasabing connector.
Ipinabatid ni NLEX Corporation Project Manager Edward Castro na tatlong lanes ang bukas sa umaga pa-Legarda sa Maynila at Cubao sa Quezon City at dalawang lanes naman sa gabi.
Target naman ng DPWH na mabuksan ang buong NLEX-SLEX connector bago matapos ang 2023.