Inihayag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na makukumpleto ang pamamahagi ng mahigit P2.5-B fuel subsidy sa mga pampublikong tsuper ng sasakyan at operators sa ikalawang linggo ng Mayo.
Ayon kay LTFRB executive director Maria Kristina Cassion, nasa 180,000 na benepisyaryo sa mahigit 200K na nakatala sa ahensya ang nabigyan na ng 6,500 pisong subsidiya sa petrolyo sa kanilang mga cash card.
Dapat aniya na makumpleto ang pamamahagi ng unang tranche ng fuel subsidy bago ilabas ang ikalawang tranche.
Layunin ng naturang subsidiya na matulungan ang mga drayber at operator ng pampublikong sasakyan na makayanan ang serye ng taas-presyo ng produktong petrolyo.