Pinagbibitiw sa puwesto ng grupo ng mga mangingisda si Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Executive Director Asis Perez.
Ginawa ng mga mangingisda ang panawagan kasabay ng inilarga nilang fish holiday ngayong araw bilang pagtutol sa pagpapatupad ng amended Fisheries Code na pagpatay anila sa lokal na isdustriya ng pangisdaan.
Sa ilalim kasi ng naturang batas, ipinagbabawal ang pangingisda sa mga minicipal waters gamit ang active fishing gear na may katapat na malaking multa sa mga lalabag dito.
Tinatayang nasa libu-libong mangingisda ang mula sa Batangas, Mindoro, Cavite, Bicol, Quezon, Bulacan, Bataan at Metro Manila ang nakilahok sa naturang fish holiday.
By Ralph Obina