Inaasahang ninipis ang supply ng isda sa mga palengke sa Huwebes.
Kasunod na rin ito ng bantang fish holiday ng mga mangingisda bilang pagtutol sa fishing ban sa Manila Bay.
Ayon kay Dr. Mario San Pascual, Pangulo ng Fish Traders Association sa Navotas, tutol sila sa pahayag ni Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Director Asis Perez na tanging ang pangangawil lamang ang papayagan sa Manila Bay at 3 kilong huli lamang ang papayagan para sa bawat mangingisda.
Sa halip, sinabi ni San Pascual na itinuturo silang mangisda na lamang sa Scarborough Shoal at Palawan.
Kasabay ng fishing holiday ay magmamartsa ang mga mangingisda patungong Malacañang para makipag-diyalogo sa Pangulong Noynoy Aquino at hilingin ang pagsibak kay Perez.
By Judith Larino