Nilinaw ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa Region IV na walang kinalaman ang aktibidad ng Bulkang Taal sa napa-ulat na fish kill sa lawa ng Taal.
Ayon kay BFAR IV Regional Director Sammy Malvas, mababang lebel ng dissolved oxygen at mataas na lebel ng concentration ng ammonia ang naging sanhi ng pagkamatay ng mga isda sa lawa ng Taal.
Yung affectable level ng reserved oxygen ay ito po yung level na conducive para sa mga isda, ay dapat mas mataas sa 5 mg/l. Yung na-observe lang po natin ay nagri-range lang s’ya ng 2.38 – 3.8 mg/l. Kaya dun din po sa area na yun ay mataas din po yung level ng ammonia at tsaka ng sulfide. So yung ammonia, ito yung napo-produce sa process ng composition. Ganun din po yung sulfide, yung mga organic matters na nasa lawa ay nagde-decompose,” ani Malvas.
Gayunman, tiniyak ni Malvas na ligtas pa rin kainin ang mga isdang mahuhuling buhay sa lawa.
Yun pong patay na na isda, ‘di na po puwedeng kainin yun at hindi na po yun dapat makarating sa palengke. At ang atin naman pong local government units at mga operators, ay mayroon na po’ng arrangement yan tuwing may mga gano’ng insidente, kinokolekta po lahat nung mga patay na isda at dinadala po iyan sa mortality tip para ilibing. So bawat bayan po diyan ay mayroon pong mortality tip,” dagdag ni BFAR IV Regional Director Sammy Malvas sa panayam ng DWIZ