Nagsampa ng reklamo ang fish traders sa Anti-Red Tape Authority (ARTA) laban kay Navotas City Mayor Toby Tiangco dahil sa pagtanggi nito na ilabas ang mga imported na isda na nakalagak sa isang fish storage facility.
Ayon kay Nenita Adalin ng frozen fish association na makailang beses na nilang kinausap ang BPLO o business permit and licensing office para i-apela na payagan ang mga ito na ilabas ang naturang mga isda.
Pero ani adalin,ang dahilan sa kanila ng BPLO, wala pang utos sa kanilang si Tiangco.
Giit pa ng grupo ni adalin, kumpleto ang hawak nilang mga dokumento sa pagsasagawa ng negosyo.
Sa huli, nababahala ang mga fish traders sa Navotas dahil sa umano’y panggigipit na ginagawa ni tiangco na nakakadagdag anito sa kakulangan sa suplay ng isda.