Pansamantalang nagpatupad ng fishing ban sa dagat na sakop ng Samar hanggang sa Hulyo.
Ayon kay Calbayog City Mayor Ronaldo Aquino, pinuno ng Samar Sea Alliance, ito ay para bigyang daan ang pagpaparami at pagpapalaki ng ilang uri ng isda.
Layon din nitong makontrol ang paghuli at pagbebenta ng ilang uri ng isda tulad ng galungong.
Naging kapansin pansin umano ang pagbaba ng mga nahuhuling isda nitong mga nakalipas na panahon na isinisisi naman sa pagguho ng lupa sa dagat kung saan natatabunan ang mga coral reef na tahanan ng mga isda.
By Rianne Briones