Nagdeklara ng fishing ban ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR sa dalawang baybaying dagat sa Visayas Region.
Ito’y matapos magpositibo sa red tide toxins ang Irong-Irong Bay at Cambatutay Bay sa Western Samar.
Kabilang sa bawal anihin, ibenta, bilhin at kainin na mga shellfish ay tahong, talaba, tulya at alamang.
Ayon sa BFAR, maaari namang kainin ang mga isda pero kailangang tanggalin ang hasang at bituka saka linisin at lutuing maigi bago kainin maging ang mga alimango at alimasag.
Samantala, ligtas naman sa red tide toxins ang ibang mga baybaying dagat gaya ng Cavite, mga lugar malapit sa Manila Bay, Sorsogon Area, Palawan, Mahinog sa Camiguin island, gayundin ang coastal water ng Dauis at Tagbilaran sa Bohol.
By Meann Tanbio