Nanawagan ang isang grupo ng mga mangingisda na alisin na ang fishing ban sa mga galunggong na kasalukuyang umiiral sa Palawan.
Ayon kay Pamalakaya National Chairperson Fernando Hicap, hindi makatutulong sa umano’y “fish species preservation” ang umiiral na ban.
Aniya, tiyak na ang susunod sa fish ban ay ang pagbaha ng mga imported na isda na magiging dahilan ng pagkalugi ng mga lokal na mangingisda.
Nakatakdang matapos ang fishing ban na ipinataw ng Bureau of Fisheries and Aquatic resources sa Hunyo 31 sa susunod na taon.