Asahan na ang pagbaba ng presyo ng isda sa mga susunod na linggo.
Ito ay dahil sa inaasahang pagdagsa ng suplay ng isda matapos tanggalin ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang fishing ban sa karagatang sakop ng Visayas.
Ayon kay Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Executive director Asis Perez, maaari nang manghuli ng isda sa mga karagatan sa bahagi ng Negros, Panay, Masbate, Leyte, Cebu at Samar.
Kabilang sa mga isdang maaari nang hulihin ay sardinas, mackerel, dilis at galunggong.
Matatandaang 3 buwan ding nagpatupad ang BFAR ng fishing ban sa Visayan Sea upang bigyang pagkakataon ang mga isda doon na makapagparami.
By Ralph Obina