Inamin ng Department of Agriculture (DA) na malaking pinsala sa sektor ng pangingisda ang naitala sa Region 6 sa pagtama ng Bagyong Paeng.
Batay sa ulat ni DA Regional Technical Director Jose Albert Barrogo kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., pumalo sa P929-M ang pinsala sa fishing sector o katumbas ng 52.36 % sa kabuang P1.7 -B na halaga ng pinsala sa buong rehiyon.
Nabatid na pumapangalawa sa may matinding tama ang palay o bigas na naitala sa P706-M o 39.8 % pangatlo ang imprastraktura sa agrikultura na naitala sa P50- M .
Sinasabing pang-4 ang mais na naitala sa P44 -M o 2.5 % at pang-5 naman ang livestock at poulty na nasa P 23-M o 1.33 %.
Higit 10,500 naman ang mga apektadong mangingisda habang 4,000 naman ang mga magsasaka.
Bukod dito, isiniwalat din ni Barrogo na karamihan sa mga naapektuhan ay ang industriya ng seeweed at maging ang mga fishponds ng bangus na nagkakahalaga ng P500-M dahil sa pagbaha. - sa ulat mula kay Gilbert Perdez (Patrol 13).