Ipinasara pansamantala ng lokal na pamahalaan ng Pasig ang isang fitness gym sa lungsod dahil sa paglabag sa umiiral na quarantine protocol gayong may pinaiiral na mahigpit na quarantine status.
Ayon kay Pasig City Police Chief, Col. Roman Arugay na ito’y kasabay ng pagkakaaresto sa 31 indibidwal na kinabibilangan ng 2 instructor at caretaker at ilang mga nag-e-exercise.
Giit ni Arugay na sila’y nakatanggap ng impormasyon mula sa concerned citizen hinggil sa pagtitipon ng mga indibidwal sa naturang gym na napag-alamang kickstart fitness gym.
Dahil dito, dinala ng ang mga nahuling indibidwal sa Pasig City police station 8. Sa huli, sinuguro ni Arugay na sasampahan ng kaso ang naturang may-ari.