Umangat ng walong puntos sa global ranking ang fixed broadband average speed sa Pilipinas batay sa pinakahuling Ookla Speedtest Global Index report.
Ito na ang pinakamataas na monthly improvement sa average speed ng internet sa Pilipinas mula nang maupo sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon sa Ooakla, nakapagtala ngn 5.73Mbps increase mula sa dating 32.73Mbps noong January patungo sa 38.46Mbps noong Pebrero 2021.
Katumbas ito ng monthly increase na 17.51% at 386.22% increase sa download speed ng bans ana 7.91Mbps noong July 2016.
Tumaas din ang overall performance ng mobile network sa bansa at umangat ng tatlong puntos sa global ranking.
Nakapagtala ng average download speed na 26.24Mbps, o pagtaas na 252.68% mula sa 7.44Mbps noong July 2016.
Noong mga nagdaang buwan ay gumanda rin ang ranking ng Pilipinas sa mobile speeds partikular noong December 2020 kung saan umangat ng 14 na puntos at 10 puntos naman noong January 2021.