Bumilis pa ang fixed broadband internet sa Filipinas ng 19 puntos sa global ranking, base sa March Ookla Speedtest Global Index report.
Ayon sa Ookla, nakapagtala ng 7.79Mbps increase sa speed mula sa 38.46Mbps noong nakaraang buwan patungo sa 46.25Mbps nitong Marso 2021.
Katumbas ito ng monthly increase na 20.25% at 484.70% increase mula sa download speed ng bansa na 7.91Mbps noong Hulyo 2016.
Sa 177 mga bansa, ang Philippine fixed broadband speed ay nasa ika-81 puwesto na ngayon. Ang pag-angat sa puwesto ng bansa noong Marso ay 2nd best sa buong mundo kasunod ng Oman.
Bahagya namang bumaba ang mobile network overall performance ng bansa makaraang magtala ng average download speed na 25.43Mbps mula sa 26.24Mbps noong nakaraang buwan.
Sa kabila nito, ang kasalukuyang mobile network performance ay mas mataas pa rin ng 241.80% kumpara sa speed nito na 7.44Mbps noong Hulyo 2016, habang ang average mobile download speed na 24.72Mbps mula Enero hanggang Marso mgayong taon ay tumaas din ng 29.22% mula sa 19.13Mbps na naitala noong Oktubre hanggang Disyembre 2020.
Sa 140 mga bansa, nasa ika- 86 na puwesto ang Philippine mobile speed ay nasa ika-86 na puwesto noong Enero 2021 mula sa ika-111 sa kaparehong panahon noong 2020, kung saan naungusan nito ang mga bansang tulad ng Russia, Malaysia at Indonesia.