Sa kulungan ang bagsak ng isang fixer matapos mag-alok ng pekeng dokumento ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Sa pinagsanib pwersa ng mga tauhan ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) at National Bureau of Investigation (NBI) special task force agad nahuli ang suspek sa ikinasang entrapment operation sa labas ng PSA main office sa Quezon City.
Nabatid na tumanggap ng halagang 3,500 piso ang suspek kapalit ng sa isang fake document.
Dahil dito, nagpaalala sa publiko ang mga otoridad na huwag maniniwala sa mga nakakausap lamang sa social media o kahit sa anumang transaksyon.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng NBI ang suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018.—sa panulat ni Angelica Doctolero