Isang hinihinalang fixer na nagbebenta ng mga prangkisa ng UV Express ang inaresto malapit sa tanggapan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board sa East Avenue, Quezon City.
Kinilala ang suspek na si Regina Sibayan na nagbebenta umano ng Certificate of Public Convenience sa halagang 180,000 Pesos.
Ayon sa L.T.F.R.B., sampung prangkisa na ang ibinenta ni Sibayan batay sa kanilang mga nakalap na impormasyon.
Taong 2003 nang ipatupad ng L.T.F.R.B. ang moratorium sa issuance ng prangkisa para sa mga public utility vehicles.
By: Drew Nacino