Laganap pa rin ang fixers at patuloy parin binibiktima ang mga Pilipino na gustong matapos agad ang kani-kanilang dokumento ayon sa Anti-Red Tape Authority (ARTA).
Ayon kay ARTA Director General Jeremiah Belgica, bukod sa pag tatatag ng anti-fixers task force dapat rin gumawa ng hakbang ang maraming ahensya para maresolba ang problema sa mga fixers.
Paalala ng ARTA sa lahat ng empleyado ng gobyerno na lalabag sa Republic Act 9485 o Anti-Red Tape act ay maaaring sibakin.
Dagdag pa rito, ang mga lalabag ay maaaring maharap sa pagkakakulong ng mahigit kumulang anim na taon at multang 20,000 piso hanggang 200,000 piso.
Sa panulat ni Lyn Legarteja.