Aprubado na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang P10 rollback sa flag down rate sa taxi at maging sa airport taxi sa buong bansa, epektibo sa March 19.
Mula sa kasalukuyang P40, ibinaba na sa P30 ang flag down rate sa taxi.
Habang P60 na lamang ang flag down rate sa airport taxi mula sa kasalukuyang P70.
Nagpasya ang LTFRB na magpatupad ng rollback sa flagdown rate sa taxi at airport taxi bunsod ng pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo.
By Meann Tanbio