Binalaan ng City Disaster Risk Reduction and Management Office o CDRRMO ng Cagayan De Oro ang kanilang mga residente sa banta ng flashflood at landslide
Kasunod ito ng walang humpay na buhos ng ulan sanhi ng Intertropical Convergence Zone o ITCZ sa mga lalawigan sa Northern Mindanao
Ayon sa CDRRMO ng Cagayan De Oro, bagama’t walang banta ng pag-apaw sa Cagayan De Oro river, daan-daang mga motorista ang naistranded nang maabutan ng pagbaha sa city proper
Samantala, ilang barangay naman ang napaulat na nakaranas ng landslides sa Misamis Oriental partikular na sa bayan ng Tagoloan Lugait at Naawan Manticao
Dahil dito, inalerto na ng pamahalaang panlalawigan ng Misamis Oriental ang kanilang mga coordinator para tumugod agad sa mga posibleng sakuna
By: Jaymark Dagala