Nagbabala sa publiko ang PAGASA na patuloy paring mararanasan ang flashflood at landslide sa malaking bahagi ng bansa bunsod parin ng southwest monsoon o hanging habagat.
Ayon sa PAGASA, asahan parin ang malalakas na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa ilang bahagi ng luzon partikular na sa Bicol region, MIMAROPA o ang Mindoro, Marinduque, Romblon, at Palawan.
Bukod pa dito, makakaranas din ng mga pag-ulan ang bahagi ng Visayas, Caraga region, Northern Mindanao, Zamboanga Peninsula, Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi.
Sinabi ng PAGASA na kung magpapatuloy ang mga pag-ulan sa mga nasabing lugar ay posibleng magkaroon ng biglaang pagbaha at pagguho ng lupa mula sa mga bundok.
Pinayuhan naman ng PAGASA ang publiko na manatiling alerto at agad na lumikas sakaling lumalala pa ang sitwasyon dulot ng patuloy na pag-ulan.