Tinatayang 1,000 katao na ang patay sa malawakang flashfloods bunsod ng malakas na pag-ulan dulot ng habagat sa northern India, Nepal at Bangladesh.
Umabot naman sa mahigit 24 na milyong katao ang apektado sa tatlong nabanggit na bansa.
Ayon sa International Red Cross, habang tumatagal ay lalong lumalala ang sitwasyon dahil unti-unting nauubos ang pagkain at inuming tubig ng mga evacuee kasabay ng paglubog ng malaking bahagi ng northern India, Nepal at Bangladesh.
Patuloy na umaapela ng tulong ang Indian, Nepalese at Bangladeshi governments sa international community.
Ito na sa ngayon ang pinakamalalang pagbaha sa South Asia sa nakalipas na ilang dekada.
By Drew Nacino