Kumpiyansa ang National Task Force against COVID-19 na tuluyan nang maaabot ng pamahalaan ang pagpapababa sa mga naitatalang kaso ng COVID-19 sa Metro Manila ngayong buwan.
Ito’y ayon kay National Task Force Chairman at Defense Sec. Delfin Lorenzana ay upang maibaba na ng tuluyan sa mas maluwag na modified general community quarantine (MGCQ) ang National Capital Region (NCR).
Pagtitiyak pa ni Lorenzana, gumagana pa rin aniya ang Coordinated Operations To Defeat Epidemic (CODE) teams na binuo ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).
Sa ilalim nito, agad daraan sa RT-PCR o swab test ang isang tao kapag nakitaan ito ng sintomas ng COVID-19 habang isasailalim naman sa isolation ang mga na-expose sa mayroong sintomas.