Malayo pa ang tatakbuhin ng mga taga-Metro Manila para mapababa ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa rehiyon.
Ito ang ipinabatid sa DWIZ ni Professor Guido David na kabilang sa mga eksperto na nakatutok sa estado ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay David, bagama’t hindi pa makakaya ng Metro Manila na mapababa ang bilang ng kaso ng COVID-19, tila iba naman ang sitwasyon ngayon sa Cebu City.
Magugunitang isinailalim sa mas mahigpit na quarantine measures ang Cebu City matapos maitala ang maraming bilang ng mga COVID-19 patient duon.
Dahil dito, sinabi ni David na kailangan ding magdoble kayod ang pamahalaan na palakasin ang testing capacity na siyang nangyayari naman na sa kasalukuyan.