Ipinagbawal na sa New York City sa Amerika ang mga flavored electronic cigarettes matapos ang dumadaming kaso ng pagkakasakit at pagkamatay dahil dito.
Ginawa ang anunsyo ni New York State Health Commissioner Howard Zucker sa isang emergency meeting sa lugar.
Base sa report, lahat ng mga e-cigarette na may candy at fruit flavoring ay ipagbabawal na.
Nangangamba naman si new York Governor Andrew Cuomo sa kalusugan ng mga kabataan dahil malinaw na ito ang target ng naturang produkto.
Matatandaang nasa halos 400 kaso ng pagkakasakit na dulot ng e-cigarette ang naitala sa Estados Unidos.
Ang New York City ang ikalawang lugar sa Amerika na ipinagbawal ang naturang produkto na matapos ang ginawang aksyon ng Michigan noong nakaraang linggo.