Iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatupad ng flexible working hours para sa mga national at local government employees.
Ayon kay MMDA o Metropolitan Manila Development Authority OIC Chairman Tim Orbos, ito ay kabilang sa apat na kautusan ng Pangulo upang maibsan ang malaking problema sa trapiko sa Metro Manila.
Nais rin umano ng Pangulo na malinis ang service road sa kahabaan ng Roxas Boulevard upang magamit ng mga motorista, doblehin ang multa para sa mga lalabag sa illegal parking at number coding at ang pagpapatupad ng night commerce policy kung saan maaaring magamit ng mga truck ang EDSA sa gabi.
Aniya, sinabi ito ng Pangulo sa kanilang cabinet meeting noong Lunes at planong maipatupad pagkatapos ng Holy Week.
By Krista de Dios