Isinusulong ng mga alkalde sa Metro Manila ang flexible modified enhanced community quarantine sa kani-kanilang lungsod.
Sa flexible MECQ, ipinabatid ni MMDA Chairman Benhur Abalos na mananatili ang border control, mahigpit pa rin ang health protocols samantalang papayagang magbukas ang ilang negosyo tulad ng construction at personal hygiene service.
Pabor din aniya ang mga alkalde na paikliin ang curfew subalit hindi pa nila matiyak kung anong oras ito.