Inaprubahan na ng Civil Service Commission ang flexible work policy para sa lahat ng government employees.
Alinsunod sa CSC resolution 2200209, epektibo ang kautusan sa Hunyo a-15 o labing-limang araw matapos itong ilabas.
Kabilang din sa ipapatupad ang:
- Flexiplace, kung saan maaaring magtrabaho ang government employees kahit wala sa kanilang opisina.
- Compressed work week, kung saan pagkakasyahin sa apat o limang araw ang 40-hour work week.
- Skeleton workforce, kung saan hindi required na lahat ay papasok sa opisina.
- Work shifting para sa nag o-operate ng 247.
- Flexitime, kung saan magsisimula ang trabaho na hindi maaga sa alas-siyete ng umaga at hindi lagpas ng alas-7 ng gabi.
- at Weekend work at combination, para sa flexible work arrangement.
Bahagi ito ng hakbang ng gobyerno upang maipatupad ang transition sa New Normal matapos isailalim ang bansa sa State of Public Health Emergency.