Ikinasal ni Pope Francis ang flight attendants sa papal plane habang nasa himapapawid.
Kinilala ang dalawang flight attendants na sina Paula Podest, 39-anyos, at Carlos Ciuffardi, 41-anyos.
Ayon sa ulat, nagku-kwentuhan ang Santo Papa at ang flight attendants nang mabanggit nito na binalak nilang magpakasal sa isang simabahan sa Chile noong 2010 ngunit hindi ito natuloy dahil sa malakas na lindol na ikinasira ng naturang simabahan.
Kaya’t napag-desisyunan na lamang nilang magkaroon ng civil wedding.
Hindi naman nagdalawang-isip ang Santo Papa na magboluntaryong ikasal ang dalawa at agad na binasbasan ang suot na singsing.
Ang presidente ng airline ang naging witness ng naturang kasal habang inasatasan ni Pope Francis ang mga kardinal na gumawa ng wedding certificate na siya niyang pinirmahan.
Binigyan ng Santo Papa ang babae ng putting rosaryo habang itim naman na rosaryo sa lalaking attendant.
Ang naturang flight attendants ay kasalukuyang may dalawa nang anak matapos ang kanilang civil wedding.