Nakaranas ng technical glitch ang Air Traffic Management System ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) alas 9:49 ng umaga kanina.
Kinumpirma ni CAAP spokesperson Eric Apolonio na nagkaroon ng technical issues ang ahensya na ngayon ay kanila nang tinutugunan para sa kaligtasan ng publiko.
Agaran namang nagpatawag ng emergency meeting si Department of Transportation (DOTr) sec. Jimmy Bautista kasama sina Airport General Manager Cesar Chiong, CAAP Dir. Gen. Skee Tamayo at iba pang airport operations para suriin ang sitwasyon.
Ayon sa ulat may mga domestic flights na napilitang bumalik sa probinsya at international flights na nag-divert sa pinakamalapit na paliparan. —ulat mula kay Raoul Esperas (Patrol 45)