Kanselado ang ilang flights ngayong araw bunsod ng nararanasang masamang panahon.
Batay sa abiso ng Manila International Airport Authority o MIAA, kabilang sa mga nasuspindeng flight ay ang biyahe ng PAL Express mula Manila patungong Basco at pabalik.
Una rito, ipinabatid ng PAGASA o Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration na may ridge of high pressure ang umiiral sa bansa na nakakaapekto sa Luzon at Visayas.
Dahil dito, asahan ang mga pag-ulan sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
By Ralph Obina | (Ulat ni Raoul Esperas)