Nagbawas na ng biyahe ang Cebu Pacific at Philippine Airlines mula Maynila patungong Kalibo at Caticlan, Aklan matapos i-anunsyo ang pagpapasara sa isla ng Boracay.
Isang flight na lamang kada araw ang ipadadala ng Cebu Pacific sa mga biyaheng Manila-Kalibo, Manila-Caticlan at Cebu-Caticlan.
Ibinaba naman ng Philippine Airlines sa pitong flights kada linggo ang mga biyaheng Caticlan habang siyam na flight kada linggo patungong kalibo.
Ayon kay PAL Spokesperson Cielo Villaluna, mananatili ang presensya nila sa Aklan upang ma-serbisyuhan ang mga residente maging ang mga darating at aalis na rehabilitation team.
Sinuspinde rin anya ng Philippine Airlines ang mga international flight papuntang Kalibo habang sarado ang Boracay.