Kinumpirma ng Air Asia Philippines na tumaas ng 38% ang booking rate nila sa harap ng nalalapit na summer season sa Pilipinas, partikular para sa buean ng Marso, Abril at Mayo na biyahe.
Ayon sa Air Asia, pinaka-maraming nagpa-book sa Boracay kung saan 24% ang itinaas ng bilang ng flights, habang 30% sa Cebu, Tagbilaran, Kalibo at Tacloban.
Nabatid na nakatakda na ring magbukas ng ruta ang Air Asia patungo ng Dumaguete at Roxas.
Sa ngayon ay pinaghahandaan na rin ng nasabing airline ang pagbubukas ng international flights patungong Bali, Indonesia; Bangkok, Thailand at Incheon, South Korea sa Abril at Mayo. -sa panulat ni Mara Valle