Ipinatanggal na ni Zambales Governor Hermogenes Ebadane Junior ang mga nakuhang floating pipes sa karagatang malapit sa pinag-aagawang teritoryo sa Scarborough Shoal.
Ayon kay Ebdane, ito ay dahil posibleng magdulot ito ng panganib sa mangingisda at residenteng nakatira sa tabing-dagat.
Aniya, ipina-dismantle niya ang naturang mga pipes saka ipapakuha sa mga back hoe at crane upang mailayo sa dalampasigan.
Sinabi ni Ebdane bagama’t walang nagki-claim sa mga pipes ay malinaw naman ang Chinese markings na nakasulat dito.
Hinihinalang tinangay ng alon ang mga pipes mula sa dreadging activity na ginagawa ng China.
By Rianne Briones