Isang fishing vessel na umano’y “floating shabu laboratory” ang natuklasan ng mga awtoridad sa Barangay Calapandayan, subic, Zambales.
Ayon kay PNP Chief Director General Ronald dela Rosa, ang barko ay hinihinalang ginagamit sa pagdadala ng mga iligal na droga sa Pilipinas mula sa ibang bansa.
Apat na Hong Kong nationals ang naaresto sa operasyon habang nahulihan ang isa sa mga ito ng umano’y shabu.
Giit ni Richard Chua, Alien Control Officer ng Immigration, kabilang sa mga nadakip ang kapitan ng fishing vessel.
Sinabi naman ni PNP Anti-Illegal Drugs Group Head Chief Supt. Bert Ferro na posibleng sa loob ng naturang barko niluto o kaya’y ito ang nag-deliver ng halos 200 kilo ng shabu na nahukay sa isang barangay sa Claveria, Cagayan.
By Jelbert Perdez