Nakataas pa rin ang flood alert sa Metro Manila at mga karatig lalawigan kahit pa tumitigil ang pag-ulan.
Ipinabatid ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na mas saturated na ang lupa ngayon kaya’t lantad na ang mga lugar na dating binaha sa panibagong pagtaas ng tubig.
Sa kasalukuyan ay umiiral ang orange warning sa Cavite at Batangas samantalang nakataas naman ang yellow warning sa Metro Manila, Laguna, Bataan at Rizal.
Habagat
Samantala, nagsimula nang humatak ng habagat ang bagyong Falcon.
Ito ayon sa PAGASA ay kaya’t asahan na ang mas malakas na ulan hanggang sa darating na weekend.
Umaabot hanggang Bicol at Visayas ang epekto ng habagat.
By Judith Larino