Iginiit ni Vice President Sara Duterte ang pangangailangang epektibong makontrol ang pagbaha at mapangasiwaan ang sitwasyon tuwing may kalamidad.
Kasunod na rin ito nang pagpapaabot ni Duterte ng simpatiya matapos daan-daang pamilya sa Bulacan partikular sa Norzagaray ang nag-evacuate nitong weekend nang magbaha sa pagpapalabas ng tubig ng Ipo at Angat dams.
Binigyang-diin ni Duterte na maaalis naman ang takot ng mga tao at maiiwasan ang trahedya kung makakapaghanda ng maaga at masusunod ang direktiba ng awtoridad sa panahon ng krisis.
Sinabi ni Duterte na kailangang maisulong ang epektibong flood control infrastructures at disaster management response para alam ng mga komunidad ang gagawin tuwing may emergency.
Naka-depende aniya ang resiliency ng mga komunidad ang pagpapalakas ng kasalukuyang risk reduction mechanisms, disaster preparedness strategies at emergency interventions.
previous post